Gasoline Boy, Huli sa kasong Pang-aabuso!

153

San Mariano, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang isang lalaki na may kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children kaninang umaga sa Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Leo Cabaldo Avenilla, bente sais anyos, may live – in partner at residente ng Brgy. Santa Filomena, San Mariano, Isabela.

Inaresto ng PNP San Mariano si Avenilla sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Andrew U. Barcena ng RTC Branch 17 City of Ilagan, Isabela dahil sa kaso nitong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.

Samantala, may inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Avenilla na nagkakahalaga ng P72,000.00 habang nasa himpilan na ng pulisya ng San Mariano para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments