GASOLINE STATION IPAPAUBAYA PARA SA TRICYCLE DRIVERS NG ASINGAN

Isasagawa na ang plano ng lokal na pamahalaan ng Asingan na ihandog ang portable gasoline station ng mga tricycle driver.

Mahigit 800 na drayber ang makikinabang sa handog na negosyong susuporta sa pangkabuhayan ng grupo.

Noong Hulyo, inanunsyo ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang pagbibigay ng kauna unahang portable gas station na pangangalagaan ng tricycle drivers sa Pangasinan.

Bukod sa pamamasada, magsisilbi ang operasyon bilang pandagdag kita ng grupo. Pantubo na rin ito sa kanilang pinansyal na pangangailangan lalo na sa kanilang mga anak.

Ayon sa alkalde ng lungsod, matagal na aniya ang planong bigyan ng sariling pangkabuhayan ang mga tricycle driver.

Facebook Comments