Gastos ng gobyerno para sa pagtugon sa Coronavirus pandemic, mahigit P355 billion na

Mahigit P355 billion na ang nagastos ng gobyerno para sa pagtugon sa Coronavirus pandemic.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, ang P247.52 billion rito ay bahagi ng pooled savings ng pamahalaan habang ang P96.7 billion ay mula sa unprogrammed appropriations.

Aniya, ang pooled saving ay galing sa mga nare-align na pondo mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan.


Habang ang pondo naman sa unprogrammed appropriations ay ang ibinigay na ayuda sa mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, inilatag ni Avisado ang panukalang budget para sa susunod na taon.

Aniya, aabot ito sa P4.3 trillion na bahagyang mataas sa P4.1 trillion budget ngayong taon.

Inaasahan naman aniyang masisimulan ang executive budget review sa unang linggo ng Hulyo.

Pagtitiyak ni Avisado, sisikapin nilang makumpleto ang budget proposal kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrido Duterte sa susunod na buwan o sa ikalawang linggo ng Agosto.

Facebook Comments