Gastos ng gobyerno sa pagbili ng bakuna, umabot na sa P54 billion

Umabot na sa P54 billion ang pondong inutang ng pamahalaan para makabili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, batay ito sa datos hanggang August 15 ngayong taon.

Sa nasabing halaga, P60 billion ang nagmula sa inutang ng gobyerno at P2.5 billion ang gastos ng bansa.


Ito ang gagamiting pondo ng gobyerno para maabot ang mahigit 70-milyong Pilipino na kailangang mabakunahan para maabot ang herd immunity.

Sa kabuuan, nasa 34.9 million doses na ang binili at dumating na mga bakuna sa bansa kung saan 16.9 million doses ay mga donasyon.

Facebook Comments