Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na dapat nakasaad din sa Statement of Contribution and Expenditures o SOCE ang ginastos ng mga kandidato para sa campaign ads sa mga privately-owned at public utility vehicles o PUV.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – kinakailangang ideklara ng mga kandidato ito sa kanilang SOCE tulad ng mga kontrata nito sa mga bus companies.
Sinabi rin ni Guanzon na bawal dikitan ng campaign materials ang mga government-owned and controlled public transport systems.
Ipinatutupad din ito sa mga sasakyang pandagat at panghimpapawid.
Facebook Comments