Gastos ng mga kumpanya sa pagbili ng COVID-19 vaccines, hindi dapat ipasa sa mga empleyado – DOLE

Hindi dapat ipasa ng pribadong sektor ang gastos sa kanilang mga empleyado sa pagbili ng COVID-19 vaccines sakaling mayroon na nito sa bansa.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan ayon sa kaniya ay dapat ang mga kumpanya ang bumili ng bakuna para sa kanilang empleyado at hindi dapat ito pagbayarin.

Sa ilalim ng Advisory No. 3 ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi pinahihintulutang sagutin ng bawat empleyado ang bayad sa pagbili ng bakunang ituturok sa kanila.


Nakasaad din dito na kinakailangang sumunod ang mga establisyimento sa vaccination policy na nakabatay sa guidelines ng Department of Health at Inter-Agency Task Force.

Una nang nanindigan ang DOLE na hindi pwede ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga opisina.

Facebook Comments