Bumaba ngayon ang paggastos ng mga Pinoy sa tinatawag na non-essentials ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, marahil ay dulot na rin ito ng epekto ng pandemya na isang negatibong impact sa consumption rate ng mga mamimili na bumagsak sa siyam na porsiyento.
Sinabi pa ni Edillon, bagsak pa rin ang sales ng mga nasa kategoryang non-essentials tulad ng entertainment, arts, clothing gayundin ang footwear.
Bukod sa mga nabanggit na non-essentials, ay mahina rin ang palo ng mga nagbebenta ng sigarilyo at alak.
Paliwanag ni Edillon na ang estado ng paggugol ng publiko sa mga non-essential sa kasalukuyan ay kombinasyon na rin ng ilang mga dahilan, tulad ng kawalan ng resources, pag-iwas sa matataong lugar at ilan sa kanila ay mas pinili na lang na bilhin kung ano ang mas kailangan at mahalaga.