Gastos ng pamahalaan, tumaas nang mahigit ₱250-B hanggang nitong Setyembre kumpara sa kinikita

Lumobo pa ang budget deficit ng pamahalaan hanggang nitong Setyembre ngayong taon.

Ang budget deficit ay ang mas malaking gastusin ng gobyerno kesa sa kinikita nito.

Batay sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), naitala sa ₱250.9 bilyon ang budget deficit.


Ito ay mataas ng ₱71.2 bilyon kumpara noong isang taon sa parehong mga buwan na naitala sa kabuuang ₱179.8 bilyon.

Pinakarason nito ay ang maraming gastusin ng pamahalaan na sinamahan ng 11.57% na kabawasan sa government receipts.

Ilan sa mga pinagkagastusan ay ang pagpapatupad ng banner social proetction and health programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Samantala, bumagal din ang kita ng pamahalaan nitong Setyembre na naitala sa ₱255.4 bilyon mula sa ₱288.8 bilyong naipon noong isang taon sa parehong panahon.

Lumago naman ang koleksyon ng ₱2.837 trilyon sa unang siyam na buwan ngayong taon.

Sa datos pa ng BTr na kabuuang koleksyon ₱2.541 trilyon ay mula sa mga buwis habang ang natitirang balanse na 10.45% ay galing sa non-tax sources o mga koleksyon sa lisensya, kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)m, bayad sa mga prangkisa at iba pa.

Facebook Comments