Gastos sa 13 TV channels para sa DepEd, sinagot ni Senator Pacquiao

678

Sinagot na ni Senator Manny Pacquiao ang gastos para sa 13 TV channels na gagamitin ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan.

Ang nabanggit na mga TV channels ay gagamitin sa distance learning lalo na sa mga lugar na wala o mahina ang internet.

Ayon kay Pacquiao, binalikat niya ang gastos dahil hindi niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.

Bunsod nito ay umaasa si Pacquiao na matutuloy na ang pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Diin ni Paquiao, ang pag-aaral kung saan muntik na siyang magkulang ay napakahalaga sa kinabukasan ng mga kabataan.

Facebook Comments