Gastos sa bilihin at transportasyon ng mamamayan, kailangang maibaba din para maging epektibo ang 40-wage increase sa NCR

Ikinalugod ni Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang ₱40 na pagtaas sa minimum wage sa National Capital Region (NCR) na sisimulang ipatupad bukas, July 16.

Gayunpaman, iginiit ni Nograles na dapat may gawin din ang gobyerno sa sektor ng agrikultura at transportation para mabawasan ang gastos ng publiko sa mga bilihin at pamasahe.

Diin ni Nograles, ang aksyon ng gobyerno sa pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa ay hindi dapat huminto sa pagbibigay umento sa sahod.


Paliwanag ni Nograles, hindi lang wage increase ang solusyon dahil kailangan ding ayusin nang sabay ang problema sa agrikultura at transportasyon para mas malaki ang take-home pay ng mga kababayan natin.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Nograles na ang Kongreso ay patuloy na gumagawa ng paraan sa pamamagitan ng pagpasa ng mga panukalang batas na magbibigay ng epektibo at tunay na solusyon sa mga hamong kinakaharap ng ating mga manggagawa.

Facebook Comments