Manila, Philippines – Hindi lang ang Philippine National Police (PNP) ang gumastos sa beauty pageant ng PNP o itong Ganda Pulis 2017.
Ito ang ginawang pahayag ni PO1 Arla Ray Pacencia ang nanalong Ganda Pulis 2017.
Sa harap ng ilang batikos sa PNP na may mahahalagang dapat na paggastusan ang Pambansang Pulisya sa halip na ang pagsasagawa ng beauty pageant.
Paliwanag ni Pacencia, may ibang mga sponsors din naman kinuha ang PNP para sa patimpalak.
Kaya hindi lahat ng gastos sa beauty pageant ay sinagot ng PNP.
Giit ni Pacencia na importante rin naman daw na magkaroon ng ganitong aktibidad ang PNP at hindi lamang puro pagsasagawa ng patrolling at operasyon.
Kailangan din naman daw ng happy time ng mga pulis.
Si PO1 Pacencia ang napili sa kabuuang 27 kandidata na nagtagisan ng ganda at talino sa nabanggit na patimpalak na kauna-unahan sa kasaysayan ng Pambansang Pulisya.
Si PO1 Pacencia ay mula sa Police Regional OFC 8, tubong Tacloban, Leyte.
24 na taong gulang, single at isang registered nurse by profession pero naengganyo na magpulis dahil na rin sa wala umanong magandang trabaho ang mga nurses dito sa Pilipinas.