Gastusin ng mga Pinoy sa Japanese cruise ship na Diamond Princess na nagpostibo sa COVID-19, handang sagutin ng pamahalaan

Handang sagutin ng pamahalaan ang medical expenses ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Japanese cruise ship na Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Department Assistant Secretary Ed Meñez na hindi pa malinaw sa ngayon kung sinagot ng Japanese government o ng employer ng 27 na mga nagtatrabahong Pilipino sa nasabing cruise ship ang kanilang pagpapagamot.

Ganunpaman, sinabi ni Meñez na preparado naman ang ating pamahalaan na umayuda sa ating mga kababayan saka-sakali mang walang matanggap na ayuda mula sa kanilang employer at pamahalaan ng Japan.


Sa pinaka huling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) sumampa na sa 27 ang bilang ng mga Pilipinong sakay ng naturang barko ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments