Gastusin sa burol at libing ng mga napatay sa One-Time-Big-Time Operation sa Maynila, sasagutin na ng Manila City Government

Manila, Philippines – Sasagutin na ng Manila City Hall ang gastusin sa burol hanggang libing ng mga napatay sa One Time Big Time operation sa Maynila.

Ayon kay Naneth Tanyag, City Social Welfare Chief ng Maynila, batid nila na pawang nagmula sa mahihirap na pamilya ang mga napatay sa nasabing operasyon.

Aniya, makipag-ugnayan lamang sa kanila ang pamilya ng namatayan na nais mag-avail ng programa.


3 libong piso ang ibibigay sa pamilya ng namatayan, habang sagot na rin ang kabaong at bayad sa serbisyo ng punerarya sa ilalim ng Damayan program.

Libre na din ang libing ng mga napatay sa tokhang sa Manila North at Manila South Cemetery.

Matatandaang, kahapon nasa 25 drug suspect ang naitalang patay sa ikinasang One Time Big Time operation ng MPD.

Facebook Comments