Ang mga kandidato ang dapat na gumastos sa pagbabaklas sa mga iligal na tarpaulins.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ito ay kung susundin ang nakasaad sa batas.
Kinumpirma rin ni Guanzon na maraming party-list groups ang hindi pa rin sumusunod sa pagpapabaklas ng COMELEC sa mga illegal campaign materials.
Pina-alalahanan din ni Guanzon ang supporters ng ilang senatoriables na magkusa nang magbaklas ng tarpaulins at billboards ng kanilang mga sinusuportahang kandidato.
Facebook Comments