Gat Andres Bonifacio Hospital sa Maynila, limitado pa rin ang tinatanggap na mga pasyente

Limitado pa rin ang tinatanggap na mga pasyente sa Gat Andres Bonifacio Hospital sa Maynila.

Ito ay bagamat Maluwag na ang kanilang COVID-19 ward dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod

Ayon kay Dr Teodoro Martin, Director ng Gat Andres Bonifacio Hospital, nais muna nilang ma-decongest o mapaluwag ang kanilang mga pasilidad mula sa mga pasyente na may iba’t ibang karamdaman.


Nakipag-ugnayan na rin si Dr. Martin sa 5 pang ospital sa Maynila para tanggapin ang mga pasyenteng apektado

Kabilang sa mga ospital na maaaring puntahan ng mga buntis at may iba pang karamdaman ang Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center, Ospital ng Sampaloc at Sta Ana Hospital

Facebook Comments