Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), pansamantalang sarado ang emergency room hanggang Huwebes

Pansamantalang sarado muna ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 na inaasikaso ng district hospital.

Simula pa kahapon ng alas-dose ng tanghali ay sarado na ito at magtatagal ng hanggang Huwebes, July 23, alas-12:00 pm.

Ayon kay Hospital Director Dr. Ted Martin, pansamantalang isinara ang ER para magbigay-daan sa terminal cleaning at disinfection activities.


Nabatid na ang COVID-19 ward ng nasabing hospital ay umabot na sa 100% capacity kung saan 76 COVID-related cases ang kasalukuyang naka-admit, at 52 ang COVID-19 confirmed patients.

Maging ang isolation tents sa hospital ay halos nasa full capacity na rin at may mga COVID-19 confirmed patient na hinihintay na ma-admit.

Facebook Comments