Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ililimita muna ang pagtanggap ng COVID-19 patients

Lilimitahan na muna ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang pagtanggap sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Ito ay dahil puno na ang mga kama na itinalaga ng ospital para sa COVID-19 patients.

Sa kasalukuyan, ang COVID ward at isolation rooms ng ospital ay nasa 124.44% operating capacity na.


Kasama sa rate na ito ang mga COVID suspects at probable cases na kasalukuyan pang naghihintay ng resulta ng kanilang mga RT-PCR.

Samantala, mananatili namang bukas ang Emergency Room ng GABMMC upang matugunan ang mga pasyenteng may ibang sakit na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Tinitiyak naman ng pagamutan na tinutugunan naman nila ang mga pangangailangang medikal ng COVID-19 patients na kasalukuyang nasa kanilang pangangalaga.

Facebook Comments