Gatchalian, tutulak na nga ba para maging bise presidente?

Suportado ng isang batikang kolumnista na si Boo Chanco ang posibleng pagtakbo ni Senator Sherwin Gatchalian para maging bise presidente at Mayor Sara Duterte-Carpio bilang presidente.

Ayon kay Chanco, magbibigay ng fresh image si Gatchalian kay Mayor Sara kung sakaling magdeklara itong tumakbo bilang pangulo para sa 2022 election.

Si Gatchalian at ang presidential daughter ay nagkasabay sa executive branch noong si Gatchalian ay alkalde pa ng Valenzuela City.


Habang nalalapit naman ang eleksyon, marami ang tumutulak kay Gatchalian na tumakbo kabilang si Albay Rep. Joey Salceda.

Wala pang pormal na desisyon si Gatchalian at Mayor Sara pero inaasahan ang kanyang sagot sa mga susunod pang linggo.

Facebook Comments