Manila, Philippines – Iniutos ng Sandiganbayan 5th division ang Department
of Justice (DOJ) na maglabas ng records na magpapatunay na may banta sa
buhay ni pork barrel Queen mastermind Janet Lim Napoles.
Nauna rito, naghain ang kampo ni Napoles ng motion sa Sandiganbayan’s
1st, 3rd, at 5th divisions na humahawak sa mga plunder charges ni Napoles
para hilingin na mailipat siya sa isang safehouse mula sa Camp Bagong Diwa
in Taguig City matapos siyang isailalim sa provisional coverage ng DOJ .
Binigyan naman ng sampung araw ni Fifth Division Chairman Associate Justice
Rafael Lagos ang DOJ para magkomento.
Nabulyawan pa ni Lagos si Lawyer Carlo Acasili, abogado ni Napoles matapos
walang mailabas na record na may banta nga sa buhay ni Napoles.
Hindi rin umano lubos maisip ng 1st division ng Sandiganbayan ang argumento
ni Defense lawyer Stephen David na ni- ransack umano ang prison cell ni
Napoles at ninakaw ang laptop kung saan ginagawa ni Napoles ang kanyang
affidavits.
Ayon naman kay Special Prosecutor Edilberto Sandoval, kung sakaling payagan
ng korte ang nasabing mosyon, magkakaroon ito ng epekto sa kaso.
Sabi pa ni Sandoval batay sa Witness Protection Law or Republic Act 6981
walang nakasaad dito tungkol sa provisional entry.