GAWA NA | Pagkukumpuni sa Virac Airport, natapos na

Catanduanes – Pasisinayahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong renovate na Virac Airport sa darating na Biyernes, June 1.

Matatagpuan ang Virac Airport sa Catanduanes Province na tanging paliparan sa buong probinsya.

Ayon sa CAAP ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasahero ang dahilan kung bakit inayos at pinalakihan ang nasabing paliparan.


Mula kasi sa dating 100 pasahero na kayang i-accomodate ng Virac Airport nasa mahigit 300 nang pasahero ang kayang i-accommodate ng pre-departure section.

Nabatid na nag-umpisa ang proyekto noon pang January 2016 at nakatakda sanang magtapos nuong July 2016 pero nagkaroon ng pagbabago sa disensyo kung kaya at natagalan bago ito matapos.

Naantala din ang pagkukumpuni dahil sa bagyong Nina na nanalasa sa Catanduanes noong 2016.

Sa ngayon ayon sa CAAP ay on going pa ang runway expansion ng Virac Airport.

Facebook Comments