Pinasinayaan ng Department of Health Center for Health Development Region 1 ang programang Gawad Kalusugan 2022 na may temang “Pagkilala sa Huwarang Paghahatid ng Serbisyong Pangkalusugan sa gitna ng Krisis” ng iba’t ibang mga organisasyon, private sectors at mga lokal at pamahalaang panlalawigan sa rehiyon uno dahil sa kanilang mga trabaho at ambag sa usaping pangkalusugan.
Sa naging programa ibinahagi ng mga opisyales ng DOH-CHD1 Officials sa pangunguna nina Regional Director Dr. Paula Paz M. Sydiongco, Assistant Regional Director Dr. Helen D. Tobias, at ang mga Division Chiefs at ng DOH Undersecretary Dr. Enrique A. Tayag bilang panauhin sa okasyon ang kanilang mga pasasalamat sa lahat ng mga organisasyong kabilang sa naturang pagkilala dahil sa kanilang paghahatid ng mga de-kalidad at agarang pagtugon sa kalusugan.
Samantala, sa kabuuang bilang nabigyan ng parangal at pagkilala ay nasa 272 parangal ang ibinigay ng CHD-Ilocos mula sa Rehiyon Uno na kinabibilangan ng mga health Partners, Health Organization at mga Program Implementers.
Binigyan pagkilala ang pinakamahusay na pagsisikap ng mga katuwang sa kalusugan na nagpapanatili at nagpapalakas sa suporta ng bawat stakeholder tungo sa produktibo, resilient, patas, at nakasentro sa mga sistema ng kalusugan kung saan nakamit ng mga miyembro ng komunidad ang kanilang buong potensyal para sa kalusugan at kagalingan para sa kanilang mga buhay.
Binigyang importansya din ang inobasyon sa mga programa na nagiging puwersang nagtutulak sa pagkamit ng higit pang mga layunin sa DOH hanggang 204. |ifmnews
Facebook Comments