‘Gawad Ulirang Kabataan’, Iginawad sa PMA Valedictorian MASIDLAWAN Class 2020

Cauayan City, Isabela- Iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang ‘Gawad Ulirang Kabataan’ Plaque matapos hirangin na PMA Valedictorian MASIDLAWIN Class 2020 ang pride ng Echagueños na si 2nd Lt. Gemalyn Deocares Sugui.

Ito ay bahagi ng pagkilala sa mga natatanging Isabeleño na nagpamalas ng buong husay, talino at galing na nagbigay ng karangalan sa lalawigan.

Personal na iginawad ni Governor Rodito Albano III at Vice Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III ang nasabing parangal sa mga kabataang itinuturing na bayani at sa pagbibigay karangalan hindi lamang sa probinsya maging sa buong bansa.


Ipinagkaloob din kay 2Lt Sugui ang isang Resolution mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela, isang pagkilala sa kanyang husay at galing bilang Valedictorian ng PMA MASIDLAWIN Class 2020.

Binigyang parangal din ni Gov. Albano ang mga magulang ni Sugui na sina George Sugui na dating Punong Barangay at Ginang Selma Sugui na isang Grade 1 teacher ng San Fabian Elementary School ng Echague, Isabela.

Ayon sa pahayag ng Gobernador, ipagkakaloob nila ang kanilang sahod ni Vice Gov. Dy para sa buwan ng Hunyo dahil sa karangalan na hatid nito sa buong Isabeleños.

Facebook Comments