GAWAGAWAY-YAN FESTIVAL KING AND QUEEN 2025, MAGPAPASIKLABAN

Cauayan City – Magaganap mamayang alas 2 ng hapon, April 3, 2025, ang inaabangang Gawagaway-yan Festival King and Queen sa SM City Cauayan, Rivera Street.

Labimpitong kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Cauayan ang magpapaligsahan sa nasabing patimpalak.

Tampok sa kumpetisyon ang pagsusuot ng creative indigenous costumes na naglalarawan ng mayamang kultura at tradisyon ng mga Cauayeño.


Ang bawat kalahok ay magpapakita ng kanilang natatanging disenyo na hango sa mga katutubong kasuotan ng rehiyon.

Una na ritong ibinida ang mga creative attires kahapon April 02, 2025 sa SM City Cauayan.

Facebook Comments