
Cauayan City – Nakatakdang isagawa ang isang Job Fair Activity sa lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng Gawagaway-yan Festival 2025.
Sa inilabas na anunsyo ng Cauayan City Public Employment and Service Office, magaganap ang aktibidad ngayong Martes, ika-8 ng Abril sa SM City Cauayan 10am hanggang 3pm.
Inaanyayahan naman ang lahat ng Job Seekers na dumalo sa aktibidad dahil makikiisa rito ang mga employers na nag-aalok ng iba’t-ibang trabaho.
Kinakailangan lamang ng mga job seekers na magdala ng kanilang resume, valid ID, at iba pang kinakailangang mga dokumento.
Maari ring bisitahin ang official Facebook page ng Cauayan City – Public Employment and Service Office upang tingnan ang mga kumpanya at ang mga trabahong iniaalok nila.
Facebook Comments