GAWANG PINOY! | Mga gown na gawa sa sachet ng kape, mantel at shopping bag, ibinida ng isang Pinay domestic helper sa Hong Kong

Hong Kong – Hinahangaan ngayon sa Hong Kong ang isang Pinay domestic helper na nagpamalas ng husay sa paggawa ng mga gown na gawa sa mga recycled materilas.

Tampok nga sa isang fashion exhibit ang mga gawang multi-way gown ni Elpie Malicsi na karamihan ay gawa sa mga sachet ng kape at shopping bag.

Ang exhibit ay bahagi ng “sustainable sunday couture” na proyekto ng University of Hong Kong.


Kwento ni Malicsi, mga naipong shopping bag na pinaglagyan ng mga pinamiling prutas ng kanyang amo ang ginamit niya sa pagdidisenyo ng damit.

May wedding gown din na gawa naman sa mga disposable na mantel na ginamit ng kanyang amo tuwing may handaan.

Aniya, mano-mano ang pagkakatahi niya sa mga damit na pinagkakaabalahan daw niya tuwing day-off niya.

Facebook Comments