Gawang Pinoy na hybrid electric train, tatakbo na sa PNR

Photo Courtesy: DOST

Babiyahe na simula sa May 6 ang kauna-unahang Filipino-made Hybrid Electric Train (HET).

Ito ay matapos ang isinagawang inaugural run ng nasabing tren na mismong dinesenyo at ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) engineers at local fabricators.

Ang nasabing hybrid train ay tatakbo mula Alabang Station ng Philippine National Railways (PNR) hanggang Biñan Station at libre ang pagsakay dito sa unang 19 na araw.


Ayon sa DOST, kukumpletuhin na lang ng hybrid train ang 150 hours na run time nito bilang bahagi ng turnover process.

Ang nasabing tren ay mayroong air-conditioning units, CCTV system, led TV sets at automatic sliding doors.

Facebook Comments