GAWIN ANG TRABAHO! | Senator Pangilinan, pinagsabihan si Secretary Piñol

Manila, Philippines – Pinagsabihan ni Senator Kiko Pangilinan si Agriculture Secretary Manny Piñol na gawin ang trabaho sa halip na gamiting panakot ang rice tarrification.

Ginawa ito ni Pangilinan, makaraang magbanta si Piñol na kapag naipatupad na ang rice tariffication ay mawawala na ang murang NFA rice.

Pero ayon kay Pangilinan, sa halip na maging alarmist ay dapat gawin ni Piñol ang mandato na tulungan ang mga magsasaka na maging produktibo at competitive.


Mungkahi ni pangilinan kay Piñol, bigyan ang mga magsasaka ng ayuda na murang pataba at iba pang farm inputs, at sapat na lupang sakahan lalo na para sa palay.

Iginiit din ni Pangilinan na gamitin ni piñol ang kanyang kapangyarihan at awtoridad sa ilalim ng Price Act para matiyak na mayroong abot-kayang bigas para sa publiko.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na sa ilalim ng batas ay may kapangyarihan ang Agriculture Secretary na tiyaking walang mangyayaring overpricing, hoarding, profiteering, pagkaantala sa pag-angkat, at iba pang uri ng pagmamanipula sa presyo ng pangunahing pagkain sa bansa.

Umaasa din si Pangilinan na hihinkayatin ni Piñol ang Pangulo at economic team na ipatigil ang pagtaas ng excise tax sa petrolyo bunga ng TRAIN Law dahil makakaapekto ito sa halaga ng gasot sa pagbabyahe ng bigas at iba pang produkto.

Facebook Comments