GAWING DRUG FREE | Philippine Drug Enforcement Agency, target na maging drug free ang lahat ng mga barangay sa bansa pagdating ng 2022

Manila, Philippines – Target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maging drug free ang lahat ng mga barangay sa bansa pagsapit ng taong 2022.

Ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, mayroon pang nalalabing 24,400 mga barangay ang nananatiling drug infested pa rin sa kasalukuyan.

Aniya, magagawa nilang matupad ito kung magagawa nilang malinis ang 6,000 barangay kada taon hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Batay sa tala ng PDEA, nasa 5,300 pa lamang ang nalilinis at naidedeklarang drug free mula sa kabuuang 42,000 mga barangay sa bansa.

Facebook Comments