GAWING SIMPLE | DepEd, muling pinaalala na gawing simple ang mga graduation ceremony ng mga mag-aaral

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Dept. of Education sa mga opisyal ng pampublikong paaralan na hindi dapat maging magarbo ang graduation ceremony ng mga mag-aaral.

Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, dapat maging simple lang ang seremonya ng pagtatapos para hindi na makadagdag sa gastusin ng mga magulang.

Aniya, mahalaga na maging makabuluhan ang graduation rites para maging memorable sa mga magulang at mag-aaral.


Sa halip na magsuot ng toga at magagandang damit, sinabi ni Mateo na maaari namang uniporme na lang ang gamitin ng mag-aaral sa kanilang pagtatapos.

Nagpalala naman ang DepEd na wala silang hinihinging graduation fees o anumang kontribusyon sa mga pampublikong paaralan.

Facebook Comments