Bigo mang masungkit ang korona bilang miss universe 2019 ay umani pa rin ng papuri mula sa mga Senador ang ating pambato na si Gazini Ganados.
Si Senator Win Gatchalian ay nag-pahatid ng pasasalamat sa pagre-presenta ni Ganados sa ating bansa sa prestihiyosong Beauty Pageant.
Diin ni Gatchalian, ang talino, ganda at kumpyansa ni Ganados sa sarili ay magsisilbing inspirasyon sa mamamayang pilipino.
Giit naman ni Risa Hontiveros, si Ganados pa rin ang miss universe sa puso ng mga Pinoy at ito ay atin paring ipinagmamalaki.
katulad ni Hontiveros ay ikinatuwa din ni Senator Sonny Angara ang pag-gamit ni Ganados sa kompetisyon para ihayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga matatanda.
Facebook Comments