Inanunsyo kahapon kasabay ng bispera ng Pasko ng e-wallet o e-payment platform na GCash na pansamantalang hindi magagamit ang kanilang serbisyo.
Sa kanilang abiso, sinisikap nilang maibalik ang serbisyo sa lalong madaling panahon.
Para sa mga naapektuhang transaksyon, tiniyak nila na ligtas ang kanilang pondo at maipoproseso sa loob ng susunod na 24 oras.
Pasado alas-6:40 ng gabi nang maibalik ang serbisyo ng GCash.
Hinikayat ang mga gumagamit na linisin ang ‘cache’ para maiwasan ang login issues.
Ang GCash ay pinatatakbo ng Globe Fintech Innovations Inc.
Kabilang sa mga serbisyo nito ay money transfer, cash withdrawal, pagbili ng cellphone load, pagbabayad ng bills at iba pa.
Facebook Comments