GCG, magpapadala ng panibagong memo sa CAAP

Kinumpirma ng Government Commission for GOCCs (GCG) na magpapadala sila ng panibagong memorandum sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ay para kumpletuhin ng CAAP ang kanilang submission ng mga kailangang dokumento base sa ginawang inspeksyon ng GCG sa CAAP facilities kahapon.

Ayon sa GCG, naging transparent naman ang CAAP at naipakita nito ang lahat ng pasilidad sa kanilang inspeksyon.


Handa rin anila ang CAAP na magsumite sa kanila ng mga dokumentong hinihingi ng GCG.

Ang inspeksyon ng GCG sa nga pasilidad ng CAAP ay bahagi ng gagawin nilang evaluation sa scorecard ng CAAP kasunod ng nangyaring technical glitch noong Bagong Taon kung saan daan-daang flights ang nakansela.

Facebook Comments