Iginiit ng Department of Health Technical Advisory Group (DOH-TAG) na ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measures ay epektibong paraan para mapababa ang COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay DOH-TAG member Dr. Edsel Salvana, ang mga karagdagang restrictions sa GCQ bubble ay layong makontrol ang pagkalat ng virus at mapanatili sa manageable level ang bilang ng kaso.
Bagamat pinakaepekibo laban sa pandemya ang pagpapatupad ng lockdown, sinabi ni Dr. Salvana na hindi na ito makakaya pa ng bansa.
Aminado si Salvana na makakatulong ang GCQ bubble para makapagpahinga ang mga ospital at iba pang healthcare facilities.
Facebook Comments