GCQ Bubble Setup, Inalmahan ng ilang Motorista

Cauayan City,Isabela- Inalmahan ng ilang motorista ang mahigpit na pagpapatupad ng number coding scheme sa lungsod ng Cauayan kaugnay sa isang linggong pagpapatupad ng GCQ Bubble set up.

Sa unang araw ng pagpapatupad nito, ilang mga hakbangin upang mapababa ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ang inalmahan,naging pahirapan ang pagpasok ng ilang mga motorista dahil sila ay dumadaan sa matinding inspeksyon ng mga kasapi ng Public Order and Safety Division (POSD), PNP katuwang ang elite unit na SWAT nito.

Katunayan, may mga ilang pinagmulta dahil sa paglabag sa minimum health protocol tulad ng kawalan ng suot na face mask at face shield, may mga pinabalik din at hindi pinayagan makapasok sa lungsod dahil sa umiiral na number coding.


Una rito,naglabas ng EO number 40 si punong lungsod Bernard Dy na naglalagay sa buong lungsod ng cauayan sa GCQ bubble simula ngayong araw hanggang ika-dalawa ng Mayo matapos pumalo na sa halos 500 ang aktibong kaso ng covid 19 sa lungsod.

Bukod sa number coding at mahigpit na monitoring sa mga papasok ng lungsod, pansamantala rin ipinagbawal ang dine-in sa mga restaurant, ipinapatupad din ang liquor ban, maging ang mass gathering ay mahigpit din ipinamomonitor sa mga barangay opisyal ni Mayor Dy sa mga magsasagawa nito kung saan papayagan sa sampung katao ang pwede makiisa sa kasal,lamay,binyag,at mga religious activities sa lungsod.

Sa ngayon tanging mga APORs lang at may mga essentials na lakad ang pinapapasok sa kalunsuran maging ang iba pang establisyimento na pinayagan magbukas sa ilalim ng GCQ buble set up dito sa lungsod ng cauayan.

Facebook Comments