GCQ BUBBLE STATUS NG CAUAYAN CITY, PINALAWIG

Cauayan City, Isabela- Pinalawig pa ang quarantine status ng Lungsod ng Cauayan bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng Covid-19 at dulot ng banta ng Delta variant cases na naitala sa mga karatig-bayan.

Mananatili ang pagsasailalim ng lungsod sa GCQ Bubble hanggang alas-dose ng madaling araw ng September 7, 2021.

Ang Lungsod ng Cauayan ay mayroong 254 na bilang ng aktibong kaso ayon na rin ito sa pinakahuling datos ng DOH Region 2.


Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan sa kooperasyon ng bawat isa sa pagsunod sa mga alituntunin ng GCQ Bubble.

Facebook Comments