Dapat ikonsidera ng pamahalaan na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) status sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye, nananatili pa rin kasing banta ng Delta variant ng COVID-19.
Pero sinabi naman ni Rye na maaari namang magluwag ng ilang patakaran o paghihigpit lalo na sa mga business establishments.
Aniya, hindi pa kwalipikado ang National Capital Region (NCR) para sa modified GCQ.
Ang kabuoang sitwasyon sa NCR ay “maganda” pero kailangang mapanatili ito sa pagpapaigting ng pagbabakuna.
Importanteng mabakunahan ang mga senior citizens at mayroong comorbidities.
Hinikayat din ng OCTA Research ang pamahalaan na panatilihin ang “NCR plus 8” plan para mabilis na maitawid ang pandemya at magkaroon ng maayos na pagdiriwang ng Pasko.