GCQ sa NCR, posibleng palawigin!

Posibleng palawigin pa ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, may mga nakikita silang indikasyon na kailangang panatilihin ang GCQ sa rehiyon.

Ipinunto ni Padila ang travel ban sa mga inbound travelers mula Indonesia, India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, UAE at Oman dahil sa dumarami nilang kaso ng COVID-19.


Mananatili rin aniya ang paghihigpit kahit pa pinayagan nang makalabas ang mga batang edad limang taong gulang pataas.

Ngayong araw, iaanunsyo ng pamahalaan ang magiging quarantine classification sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa simula bukas.

Facebook Comments