GDP ng bansa, inaasahang lalago sa susunod na taon

Tinatayang aabot sa 6.5 hanggang 7.5 percent ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kumpiyansa silang maibabalik ang sigla ng ekonomiya kasabay ng paggulong ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa kabila nito, tiniyak ni Nograles na ipapatupad pa rin ang mga health protocols sa pagbubukas ng mas maraming negosyo para makabalik na sa trabaho ang ilang manggagawa.


Facebook Comments