Lumago ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa unang quarter ng 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 8.3% ang GDP ng bansa.
Mas mataas ito kumpara sa 7.8% GDP growth na naitala noong fourth quarter ng 2021 at sa -3.8% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa, nagtala ng pinakamataas na kontribusyon sa 8.3% GDP growth rate ang services sector nagtala ng 5.1%, sinundan ng industry sector na may 3.1% at ng agrikultura, forestry at fishing na may 0.02%.
Facebook Comments