
Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon base sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Ang GDP ay ang kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na nagawa sa isang bansa sa isang tiyak na panahon.
Ayon kay National Statistician at Chief Registry General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang GDP ay tumaas sa 5.5% sa ikalawang quarter ng 2025.
Mas mabilis kumpara sa 5.4% na GDP noong first quarter pero mabagal sa 6.5% noong nakaraang taon.
Naabot naman ng second-quarter GDP growth ang target ng pamahalaan na 5.5 hanggang 6.5%.
Facebook Comments









