Geminids meteor shower, masasaksihan sa Pilipinas mamayang gabi

Manila, Philippines – Muling masasaksihan sa Pilipinas ang taunang geminids meteor shower hanggang Disyembre 17 sa bansa.

Ayon sa PAGASA, mas maraming masasaksihan mula gabi ng Disyembre 14 hanggang madaling araw ng disyembre 15 sa silangang kalangitan.

Nasa 40 meteor o “falling stars” ang makikita kada oras sa ilalim ng madilim at hindi maulap na kalangitan.


Tinawag na geminid ang nasabing meteor shower dahil magmumula ito sa constellation ng gemini.

Masasaksihan din sa ibang panig ng bansa ang meteor shower tulad ng Estados Unidos, Australia, at sa iba pang bahagi ng mundo.

Facebook Comments