Gen. Bato, kinastigo ni Sen. Lacson

338

Manila, Philippines – Ikinadismaya ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagtatanggol ni Philippine National Police Chief Gen Ronald Bato Dela Rosa sa mga pulis na nasa likod ng natuklasang sekretong kulungan sa Manila Police Station 1 sa Tondo, Manila.
Para kay Lacson, arogante ang mga pahayag ni Gen. Bato paborsa pagkakaroon ng sekretong kulungan ng isang istasyon ng pulisya para sa mgadrug suspects.
Ayon kay Lacson, hindi niya maunawaan kung bakit ganoonang naging komento ni Gen. Dela Rosa.
Giit ni Lacson, malinaw na paglabag sa batas ang nabangit na secret cell.
Binigyang diin ni Lacson na hindi dapat pinagtatanggol ng hepe ng pambansang pulisya ang mga tiwaling pulis.
Base sa reports, hinihingan pa ng pera ng ilang pulis sa MPD station 1 ang mga nakakulong sa secret cell kapalit ng kanilang kalayaan.
Sinabi ni Lacson na kung totoo, ay wala itong pinagkaibasa kidnap-for-ransom gangs.
Isa aniyang hamon sa pamunuan ng PNP na papanagutin angnasa likod ng nabanggit na sekretong kulungan.

Facebook Comments