Gen. Cascolan, uupo munang OIC ng PNP kapag nagretiro na si Chief Gamboa

Courtesy: Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan FB

Kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni Philippine National Police Chief Police General Archie Francisco Gamboa ngayong lingo, inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na magsisilbi munang Officer-in-Charge (OIC) ng PNP si Police Lieutenant General Camilo Cascolan.

Ayon kay Roque, mayroon nang binigay na pangalan pero binigyan siya ng instruction na i-hold muna ang pag-anunsyo nito.

Hindi naman nito idinetalye pa ang rason sa pagpapaliban ng announcement sa susunod na PNP Chief.


Nabatid na pangalawa sa hierarchy sa PNP si Cascolan dahil siya ang Deputy Chief for Administration.

Si Cascolan ay nagsilbi bilang OIC sa PNP noong Marso matapos masangkot sa helicopter crash sa Laguna si PNP Chief Gamboa.

Facebook Comments