Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Human Settlements & Urban Development si Retired Major General Eduardo del Rosario.
Sa appointment paper na inilabas ng Palasyo magsisilbi bilang ad interim Secretary si Del Rosario sa nasabing ahensya.
Bago ito, nagsilbi ding Chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council si Del Rosario noong 2017 at naging ex-officio Chairman din ng Pag-IBIG Board.
Nabatid na matapos itong magserbisyo sa militar sa loob ng 37 years, naitalaga pa ito bilang administrador ng Office of Civil Defense (OCD) at Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) magmula February 2013 – May 2014.
Pinangunahan din nito ang “Task Force Kalihim” na nag-retrieved sa mga labi ni dating DILG Secretary Jesse Robredo mula sa plane wreckage sa Masbate noong August 2012.
Nagsilbi din si Del Rosario bilang pinuno ng Task Force Bangon Marawi na nangasiwa sa rehabilitasyon ng Marawi.