Gen. dela Rosa, ipinagtanggol ang utos ni Pangulong Duterte na ibalik sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ngayon ni Philippine National Police o PNP Chief Gen. Ronald Bato dela Rosa ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa sa pangungina ni Supt. Marvin Marcos.

Sabi ni Gen. Bato, walang dahilan para hindi sundin ang utos ng pangulo dahil nakapagpyansa naman ang mga ito at hindi pa rin naipapatupad ang kanilang suspensyon dahil may nakabinbin pa silang motion for reconsideration.

Diin pa ni Gen. Bato, tama ang katwiran ng pangulo na i-reinstatement sa nabanggit na mga pulis para hindi masayang ang pa-sweldo sa mga ito.
Kasabay nito ay ipinagmalaki pa ni Gen. Bato na nakataas sa morale ng PNP ang reinstatement sa grupo ni Supt Marcos.


Ito ay dahil tinutupad aniya ng pangulo ang kanyang pangako sa mga pulis na hindi sila pababayaan.

Diin ni Gen. dela Rosa, ang kaso laban sa grupo ni Supt. Marcos ay in line of duty.

Facebook Comments