Gen. Estomo, umalma sa pagdadawit sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Mariing itinanggi ni retired police general PLTGen. Jonnel Estomo ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersiyal na kaso ng mga missing sabungeros.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Estomo na iginagalang niya ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero at ang karapatan ng pamilya ng mga biktima na malaman ang totoo at makamit ang hustisya.

Giit ni Estomo, wala syang kinalaman sa isyu at maghahain sya ng mga ebidensiya upang linisin ang kanyang pangalan.

Sinabi pa ni Estomo na inihahanda na ng kanyang mga abogado ang kasong isasampa laban kay Julie Patidongan alyas Totoy dahil sa umano’y paninirang-puri at malisyosong akusasyon.

Matatandaang idinawit ni alyas Totoy si Estomo sa pagkawala ng mga sabungero.

Facebook Comments