Gen. Fajardo, kinilala bilang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita ng gobyerno

Isang malaking karangalan para kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na mapabilang sa isa sa mga pinakamahusay na tagapagsalita ng gobyerno sa bansa.

Ayon kay Fajardo, iniaalay niya ang nasabing pagkilala sa buong Pambansang Pulisya na araw-araw ay nagsasakripisyo upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Ani Fajardo, ang tiwala ng publiko ang siyang nagsisilbing inspirasyon ng pulisya upang patuloy na pagbutihin ang kanilang serbisyo publiko.

Ang naturang pagkilala ay bahagi ng unang comprehensive performance assessment para sa mga pangunahing tagapagsalita at information officers ng pamahalaan.

Isinagawa ang nasabing survey mula April 1 hanggang 7, 2025, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 5,000 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na layong masukat ang bisa, kredibilidad, at antas ng tiwala ng publiko sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments