Napili ng mga mag-aaral ng Public Administration ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Lopez, Quezon si dating PNP Chief General Guillermo Eleazar na pinakagusto nilang manalo sa senatorial elections sa Mayo 9.
Sa isinagawang mock election survey ng Public Administrators Society (PADS) – Lopez, si Eleazar ay nakakuha ng 35.31 percent na boto na nasa ikawalong pwesto mula sa 64 na senatorial candidates.
Ayon sa PUP PADS-Lopez, naniniwala sila sa tunay na diwa ng demokrasya at civic participation ng mga tao kaya nagpapasalamat sila sa mga lumahok sa survey.
Ang branch-wide mock election survey ay tinawag na “Halalan 2022: PUP-LB, Kaninong Panig Ka?” ay isinagawa sa pamamagitan ng Google Form mula april 4 hanggang 22 kung saan 1,671 mag-aaral ang nakiisa.
Hinihikayat din nila ang publiko na bumoto hindi lamang para sa mga kwalipikado ngunit sa karapat-dapat na kandidato sa May 9 elections.
Kasabay nito, sinabi ni Eleazar na isang malaking karangalan na mapili bilang isa sa pinagkakatiwalaan ng mga kabataan na malaki ang ginagampanan sa pagbabago sa ating lipunan.