Gen. Torre, binalaan ang mga pulis na huwag pahirapan ang mga dumudulog sa presinto

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang mga pulis na huwag pagpapasa-pasahan ang mga nagrereklamo sa presinto.

Sa kanyang unang press conference sa Camp Crame, iginiit ni Torre na responsibilidad ng pulisya na agad aksyunan ang anumang reklamo ng publiko.

Aniya, hindi dapat pinapaikot ang mga tao at dapat agad na tulungan ng pulisya.

Sinabi pa ni Torre, anumang tawag mula sa 911 ay kailangang aksyunan agad ng Pambansang Pulisya.

Isa lamang ito sa mga marching orders ni Gen. Torre ngayong siya na ang bagong pinuno ng PNP.

Facebook Comments