Gen. Torre, pormal nang umupo bilang bagong direktor ng CIDG

Nanumpa na bilang acting director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Police Brigadier General Nicolas Torre III.

Isang simpleng turnover ceremony ang ginanap kahapon sa CIDG Headquarters kung saan pinalitan ni General Torre si PMGen. Leo Francisco.

Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat si Gen. Torre sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng liderato ng Philippine National Police (PNP).


Kinilala rin niya ang mga nagawa ni Gen. Francisco at binigyan-diin ang kaniyang familiarity sa operasyon ng CIDG lalo’t dati na siyang nagsilbi bilang Deputy Director for Operations.

Kasunod nito, kumpiyansa ang liderato ng PNP sa pamumuno ni Gen. Torre na may malawak na karanasan sa mga kumplikadong imbestigasyon at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Si Torre ay matatandaang nanguna sa operasyon kung saan nadakip si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy sa Davao City.

Facebook Comments